Anong tulong ang makukuha ko sa ituloy angsulong?
Sa February tapos na ang ituloy angsulong seo contest, meron mananalo meron rin matatalo. Ako? ewan ko kung makakapasok ako sa Top 10 o Top 5, mahirap na magsalita maraming mahuhusay na kalahok sa contest na ito. Marami kasing nagsasabing sila raw ay SEO marketer at SEO professionals. Pano ako maglalakas ng loob magsabi na ako ay mananalo sa Ituloy Angsulong contest, kung ang makalaban ko ang professional at veteran? Kapag naiisip ko ang mga bagay na ito parang nawawalan na ako ng lakas ng loob makipag compete sa ituloyangsulong contest na to. Pero ang tanong ko sa sarili ko, ay kung meron ba akong natutunan? Siguro meron pero ewan ko kung alin at saan. Anong matutunan ko eh sarili ko lang mga idea at alam ang sinusulat ko dito. Itong ituloy angsulong na to ay isa lang contest para sa pera, pano ako matututo dito eh wala namang nagtuturo o kaya naman ay nag bibigay ng mga tips. Meron naman pa ilan ilan na nag post ng mga website na pwede pagkuhaan ng tips, kaya nga lang ay puro link baiting lamang. Siguro ang matutunan ko lang dito sa ITULOY ANGSULONG ay ang pag tanggap ng pagkatalo o kaya naman ay ang magkaroon ng karanasan na sumalis sa SEO contest. Kaya’t minsan tuloy tinatamad na ako sumali sa ituloy angsulong.
